-Sinulat ni Rosie Jean N. Inday
Hinahanap ko si Kuya Nathaniel ngayon at ‘di ko alam kung saan na naman nagsusuot ang gwapong lalaking yun. Kanina pa ako naghihintay sa kanya at mag aalas sais na at hindi pa siya lumalabas sa silid-aralan niya. Kung ‘di lang kami magkapatid eh di sana kanina ko pa siya iniwan. Nasan na kaya siya?
Tumungo ako sa loob ng paaralan.Kanina pa kasi ako sa gate. Gabi na at ang
naaalintana ko lamang ay ang ilaw na nagmumula sa silid-aralan ni kuya. Bakit kaya ang tagal niyang lumabas? Eh dapat alas singko ng hapon ay nakasarado na ang lahat ng mga silid-aralan.
Habang nasa corridor ay rinig na rinig ko mula rito ang mga boses na nanggagaling sa loob ng kanilang silid. Nagbabakasakali akong sana ay nandoon pa si kuya pero parang iba yung mga boses na naririnig ko. Sumilip ako mula sa likod ng nakabukas na pintuan. Laking gulat ko nang makita ang… “Aray!” bigla akong nauntog nang maisara ko nang malakas ang pinto.”Patay na…” nasabi ko na lang ng pabulong.
“Uy,iha.Ano pa ang ginagawa mo rito? Ang ingay-ingay mo. Nakikita mong
nagmimeeting kaming mga guro at anong oras na. Bawal na ang mga estudyante rito.”
“Ayyy. Sorry po Punong-gurong Spencer. Hinahanap ko lang po kasi si kuya Nathaniel. Nagbabakasakali lang po ako na baka andito pa po siya”.
“Allaine, wala na rito ang kuya mo. Kanina pa ang class dismissal. Umuwi ka na.”
“Ah, ganun po ba? Salamat po Bb. Kim. Salamat nalang po sa inyo at paumanhin.”sambit ko kasabay ang pagtalikod nang dahan-dahan dahil sa kahihiyan.
Oo nga pala. Ginagawang meeting place ng mga guro ang classroom nila kuya. Pero ang gumugulo sa isipan ko ngayon ay kung paano ako makakauwi nito gayong ang napakabait kong kapatid ay iniwan ako nang ‘di ko man lang siya nakitang lumabas. Eh pa’no ba siya nakalabas nang ‘di ko man lang siya nakita?Napapansin kong may mali sa mga nangyayari pero tinatamad akong mag isip kung ano yun.
Habang palabas ako mula sa paaralan ay may napagtanto ako sa aking dinadaanan. Alam mo ‘yun? Parang may mali eh.
Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag iisip, bigla na lamang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext.Pinindot ko yun at binasa.
“Allaine, umuwi ka na. Nasan ka ba? Andito na ako sa bahay. Kanina pa kita hinahanap” -mensahe galing kay kuya
Kaya nagreply ako.
“Huyy, kuya. Andito pa ako sa school. Kanina pa ako naghihintay sa’yo noh!? Ang bait bait mo talagang kapatid. ‘Eh paano ako makakauwi ngayon? Gabi na at ang layo pa ng bahay. Hahay. Sa susunod ako na ang magdadala ng sasakyan ah para hindi na ako maghintay ng ilang oras dito tapos magtetext kang nakauwi ka na pala.” ipinadala ko na ang mensahe.
“Kuya, sunduin mo naman ako dito oh.” pahabol ko pa.
Pinindot ko ang send icon para malaman ni kuya na hindi ako okay. Hindi talaga ako okay. Ipinagmamalaki niya pa sa nobya niya ang kabaitan niya. Akala mo naman mabait, eh iniwan nga niya ako dito nang mag-isa. Madilim na kaya ang daan.
Bumalik ako sa gate na hinihintayan ko sa kanya kanina. Para dito nalang ako sunduin ni kuya.Habang naghihintay, bigla na lamang tumunog ang cellphone ko at nasasabik na basahin ang reply ni kuya dahil masusundo na niya ako. Kaso mali pala kasi message not sent ang nakalagay. Kainissss!!! Bakit walang signal? Ilang beses kong niresend ang text ko. Nakakalima na yata ako ng resend. Anlabo namang walang signal eh siyudad tong lugar namin, wala naman ako sa probinsiya.Patuloy ako sa paggawa ng paraan para masend ang text at naiinis na ako dahil hindi talaga siya nasesend.
Nawawalan na ako ng pag-asa nang mapagtanto ko na wala nga pala akong
load.Malas ko talaga ngayong araw na ‘to.Eh pano ako ngayon masusundo ni kuya? Nagsasayang lang ako ng oras sa kakahintay.
Imbes na magpakatanga na naman ako rito, napagpasyahan kong maglakad na lamang. Mabuti at may mga tao pa akong nakikitang naglalakad din. Medyo umaambon na kaya tumakbo na lamang ako. Lumapad ang ngiti ko nang maaninag ang kanto ng aming subdivision.Nasa phase 1 lang ang bahay namin kaya di kalayuan.
Nang makita ko ang kalaki-laking bahay sa di kalayuan, gumaan ang loob ko dahil hudyat na malapit na ako sa pinakamamahal kong tirahan. “Lalalala…” kanta ko habang lumulundag.Malapit na ako sa gate namin at nagdadalawang- isip akong pindutin ang doorbell sa kadahilanang baka mapagalitan ako ni mommy at daddy dahil takipsilim na akong nakauwi.
Naniniwala na akong nandito na si kuya dahil kitang-kita mula sa gate ang
nakaparadang kotse niya katabi nun ang kotse ni Daddy.
“Kasalanan to ni kuya eh.” Akma ko na sanang pipindutin ang doorbell nang may biglang…
“Psst,Psst!” hindi ako lumingon.
“Psst,Psst!” hindi man lang ako sumulyap sa pinanggalingan nito pero nakikita ko sa aking peripheral vision na may lalaking nakatayo sa may gilid na ilang inches lang ang layo mula sa kinaroroonan ko.
“Psst,Psst!” Kinakabahan na ako rito sa kinatatayuan ko at nagdadalawang-isip akong lumingon.
“Psst,Psst!”
Lumalakas na ang pagsitsit nito kaya dahan-dahan kong tinungo ang aking ulo sa pinanggalingan nito.
Matangkad na lalaking kulay itim, salubong ang kilay na parang galit, malaki ang mga mata, at eyebags sa kailaliman nito. Sandali akong kumurap baka guni-guni ko lang ang lahat pero kahit ilang beses akong kumurap ay nandun pa rin ang lalaking yun. Palapit nang palapit ito sa akin.
“Diyos ko po!! Lumayo kang pangit ka!!”
Kinakabahan na ako at rinig na rinig ko ang mabilis na pagkabog ng aking dibdid dahil sa takot.
“May pangit na lalaki!!” sigaw ko nang palapit pa ito sa akin. Sisigaw pa sana ako nang bigla akong nakaramdam ng malakas na hampas sa batok. Binatukan ako ng lalaking pangit.
“Huyy!! Makapintas ka naman. Kung pangit ako, pangit ka rin. Ang dugong
nananalaytay dito sa katawan ko ay dugo mo rin. Magkamukha lang tayo!! At isa pa, ba’t magdodoorbell ka diyan? Eh dito sa kabila ang bahay natin. Huyy!! Baka nakalimutan mong gawa lang sa kahoy ang bahay natin. “
Napagtanto kong si kuya pala ang lalaking yun.
“Ikaw naman kasi kuya, nakakatakot ka. Pero totoo yung sinabi ko ah.”
“Alin dun? Yung nakakatakot ako?”
“Hindi, yung isa ko pang sinabi.” Binatukan na naman ako ni kuya kaya dali-dali akong pumasok sa bahay.
“Allaine, bakit ngayon ka lang? Gabi na ah. Bakit hindi ka sumabay sa kuya mong umuwi?”mala imbestigador na kinuwestiyon ako ni Mommy nang nakapameywang pa na kung titigan nang matagal ay parang isang magandang matandang naagawan ng tungkod.
“Eh, ma. Iniwan kaya ako ni kuya sa school. Ilang oras akong naghintay sa labas nang magtext siyang nakauwi na pala siya.”Biglang pumasok si Kuya.
“Huyy, Huy, Huy! Anong iniwan sa school eh hindi nga kita nakita paglabas ko.“
“Hay naku, kuya. Eh ikaw yung hindi ko nakitang lumabas eh. Eh baka nagcutting ka. “
“Anong nagcutting? Eh hindi nga ako kailanman nagcutting. Ano bang sinabi ko sa’yo kaninang umaga? “
“Hmm… Sabi mo, hintayin kita sa labas. “
“Oh, naghintay ka ba? “
“Oo naman kuya”
“San ka naghintay?”
“Sa labas nga tulad ng sabi mo”
“Saang labasan nga? “
“Meron pa bang ibang labasan?”
“ Saan ka nga naghintay?”
“Hmm…dun sa… ENTRANCE”
“Hahayy. Allaine. Bakit ka sa entrance naghintay? Malamang hindi kita makikita dun
kasi ang labasan sa exit”
“Oo nga noh? Kaya pala parang may mali sa dinadaanan ko kanina.Pero kuya.
Labasan pa rin yun. Sa labas nga lang ng entrance. “
“Hayyy. Ang talinong bata! “