-Sinulat ni April Ann Rose Cañada
Ako si Anne isang kolehiya, may crush ako sa school unang kita ko palang sa enrollment ay gusto ko na siya.At siya ay si Louie matangkad, matalino at syempre gwapo. Nagulat nga ako nung naging mag classmate kami, syempre natuwa ako. lalo na pag may seating arrangement parehong “C” kase ang apilyedo namin. Nahihirapan akong tingnan siya, natatakot kase akong mahuli niya akong nakatitg sa kanya. Kaya laging pasimpleng tingin lang pag ngumingiti siya, may kung ano sa puso ko na tuwang tuwa. Naging close din naman kami kahit papano.
Masaya ako pag kasama ko siya hanggang sa dumating yung time na dina kami nag usap, siguro nagkahiyaan o nagkatampuhan? diko alam. Pero kahit ganon, crush ko pa din siya, marupok ako ehh!! proud ako palagi sa mga naaachieve niya. Kahit sa mga magulang ko ipinagmamalaki ko siya, ganon ako ka proud sa kanya. Gustong gusto ko siya makita araw araw, kahit na alam kong wala lang ako sa kanya. Ganun talaga, kahit na alam kong hindi ako yung gusto niya, marupok nga ehh diba!! makulit kase akong babae, madaldal, galawgaw, parang may topak, wala sakin yung hinahanap niya.
Alam kong hindi niya ako gusto, at hindi niya ako magugustohan kahit kelan dahil sa itsura kong ito. Wala akong magagawa. Isang taga hanga lang ako sa kinikilig sa tuwing nag uusap o binabanggit niya ang pangalan ko. Sa mga pictures na ine edit o kina crop ko para lang masabing may picture kaming kami lang. Yung magkatabi lang kami kapag no choice na o wala nang upuang bakante. Sakeet tehhh, sobrang sakeeet… masakit palang magka gusto sa taong di naman mapapasayo, hindi mo masabing “Gusto kita Louie”. Pero kahit na ganon . Malaki parin ang pasalamat ko dahil bukod sa mga magulang ko, isa karin sa mga inspirasyon ko. Sa bawat araw ng pagpasok ko. next year gagraduate na tayo, goodluck sa career mo at sa career ko.