Categories
Personal Works

Truth Untold 2

-Original Composed by RJ

Pag nagkagusto ako sa isang tao, ako yung tipong “Oo, gusto ko siya” at never komg hinahangad o hahangarin nq magkagusto din sa akin yung taong yun. Never kong dapat i expect na he will like me back kasi hindi naman lahat ng taong nagugustuhan mo ay magugustuhan ka rin in the same way you did. You can’t force a person to love you kasi lang mahal mo rin siya. Hindi naman yung tao mismo ang pipili kung sino ang mamahalin niya. Only your hearts will choose who could it be and who’s the right person for you to love pero hindi naman lahat ng nilalaman ng puso mo ay tamang tao. Minsan, napipili ng puso natin ang maling tao.

Gaya na lamang ng one sided love, yung tipong mahal mo siya pero hindi ka niya mahal kasi iba yung minamahal niya. Kailangan mo na lang tanggapin na ganun talaga kasi ang girap maghabol sa taong iba yung hinahabol.Ang hirap magmahal sa taong iba yung minamahal at mas lalong mahirap na nasasaktan ka nga pero wala siyang pakialam. Naniniwala kasi ako na selfless yung love. Selfless, kasi pagdating sa love, hindi dapat pansariling kasiyahan lang yung iniisip mo. Kung talagang mahal mo yung tao, ipapaubaya mo na lamang yung kasiyahan mo para sa kasiyahan niya. Pipiliin mo na lamang ang maging masaya siya sa iba kahit na ikaw yung masasaktan. Your heart is so precious para masayang lang sa taong hindi ka kayang mahalin.

Para sa akin, ang totoong pagmamahal ay yung kaya at pwede kang ipaglaban laban sa mga hadlang. Yung tipong handang ipaglaban ang pagmamahal niya para manatili ka lang. Sa anumang dagok ng buhay ay andiyan pa rin siya inaalalayan at sinasamahan ka. Yung taong ilang beses mo mang ipagtabuyan ay hindi ka pa rin niya kayang iwan. Yung taong iniintindi ka sa pagkakataong walang sinuman ang nakakaintindi sayo. Yung taong kaya kang patawanin kahit sa mga corny jokes nito. Kakantahan ka kahit na boses palaka siya. Yung taong hindi ka sasaktan kahit sinasaktan mo siya. Yung taong may pakialam tungkol sa mga nararamdaman mo.

True love waits ika nga. You need to be patient to find that right person. That right person is to be given by God in his perfect time. Be patient enough at wag magmadali sa ganitong bagay. Dadating at dadating din yung perfect time na yun. Yung kusang ibibigay sayo ng Diyos na hindi mo na kailangan pilitin ang sarili mong magmahal. That true love is your true happiness. Hindi lahat ng taong kayang pangitiin ay kaya ka ring mahalin. Hindi lahat taong magugustuhan mo ay magugustuhan ka rin. Hindi lahat ng taong gusto mong manatili ay mananatili hanggang sa huli kasi sa milyon-milyong tao na nandito sa mundo isa lang yung nakalaan para sayo.

Marami pang iba diyan na siguro’y pasimpleng naghihintay sayo pero di mo lang napapansin dahil busy ka sa paghahabol sa taong iba naman ang gusto. Minsan, kung sino pa yung taong hindi mo man lang napapansin ay siya pa lang nagmamahal sayo nang totoo.Nagiging bulag ka lang kasi iba naman ang hinahanap ng mga mata mo. Pagdating sa pag-ibig, nagiging bulag yung tao. Hindi literal na pagiging bulag. Nabubulag tayo sa pag-ibig dahil ang nakikita lamang ng mga mata natin ay kung gaano kaganda ang katangian ng minamahal natin. Minsan nga, sa pagiging bulag ng tao pagdating sa pag-ibig ay nagiging tao ito. Yung tipong hindi na niya nakikita ang kamalian ng tao dahil ang lahat ng kamalian nito ay natatakpan na ng pag-ibig.

May mga taong pinagtagpo nga pero hindi naman itinadhana. May mga taong maaaring mahal ngayon at maaaring bukas ay hindi na. Meron din andiyan ngayon at bukas maaaring wala na. Ang hirap i predict ng mga nangyayari. That’s why you should accept what’s going on in a good way. Mas mabuti na ang masaktan kesa ikaw yung makasakit. Mas mabuti na ang iwanan kesa ikaw yung mang-iwan. Mas mabuti na ang umiwas kesa ang magpakatanga. Aside all of these, you should love yourself kasi sa oras na masaktan ka, yang sarili mo lang ang mananatili at magtatayo sayo mula sa pagkadapa at kukumbinse sayong patuloy kang lumaban at wag kang susuko.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started