Categories
Personal Works

Truth Untold

Hindi na bago sa atin ang magkagusto sa ibang tao. Yung tipong humahanga ka sa katangiang kanyang taglay, hindi mo maiwasan na siya ay tingnan nang palihim lamang at patago mo lamang na naaappreciate ang mga maliliit na bagay na kanyang ginagawa na masyado mong pinagtutuunan ng pansin. Ang hirap magkagusto nang patago dahil patago karing nasasaktan.

Patago dahil hindi man lang niya alam na may gusto ka. Wala kang ibang magawa kundi ang tingnan siya mula sa malayo na para bang isang nagniningning na bituing kay hirap abutin. Lihim mong hinahangaan ang mga bagay mula sa maliliit hanggang sa malalaking bagay na kanyang ginagawa. Lihim kang natutuwa pag nakikita mo siyang tumatawa, lihim kang nasasaktan pag nakikita mo siyang malungkot. Yung para bang nagiging tagapagbantay. Yung tipong gusto mo siyang i comfort kaso hindi mo siya mahawakan. Para kang espiritu dahil sa kabila ng paghanga mo sa kanya ay hindi ka man lang niya napapansin. Kahit sa simpleng pagngiti niya sayo ay napakalaking bagay na. Sa simpleng bati ng “Hi” at “HELLO” ay namumula ka at imbes na batiin siya pabalik ay hindi mo magawa dahil nga kinakabahan ka at ang magagawa mo na lamang ay ang pilit na pagngiti sabay tanaw sa ibang direksyon para pigilan ang iyong emosyon.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started